Search This Blog

Wednesday, January 13, 2010

Bagong Hobby


may nadiscover akong hobby, ang gumawa ng Advertisement sa print. eto po ang sample

Monday, January 11, 2010

kapag may sumiksik, may nandudukot











Lagi ka bang sumasakay ng jeep? o nang bus? o maski na tricycle? malamang kung di ikaw, e yung ate mo, kuya mo, tatay mo, nanay mo, lolo mo, lola mo o sino mang kakilala mo ay nakaranas na nito, o may nakitang ginaganito. Isang lang ang tinutukoy ko, yang mga *&*(#_ mga mandurukot na yan! Bitter ako? Oo naman! hehe. Di ko la nasulyapan, naranasan ko pa. Mayo ng 2008, naging isa ako sa istatistika na naging biktima ng pangyayaring ito. kakaiba ang istilo ng mga ito, hindi sila yung mga simpleng nag iistretch ang mga kamay na parang si Mr. Fantastic o si Lastikman, may play pa sila, parang basketball, oo "sila", kasi apat sila. Ganito yun e. Mga pasado alas-8 ng gabi, pasakay ako ng bus sa Edsa, tanda ko a-15 yun, sweldo. mahirap sumakay dahil maraming tao, konti ang bus.may isang bus na dumaan napansin ko may apat na kalalakihan na biglang bumaba sa unahang pinto ng bus, di ko sila pinansin, pero yung isang lalaki na may kunyaring tinatawagan napansin ko nasa likod ko sya,at maya maya nasa harap ko na, at nagkatama ang aming mga mata, siguro sinisipat nya kung ano makukuha nya saken, wallet, bolpen, panyo o panis na ulam. at dumating na nga ang pinakahihintay kong bus na byaheng Alabang, pinara ko. Ako lang naman ang lumapit sa istribo ng bus para sumakay, akamang paakyat na ko at nakatapak na ang isang paa ko sa istrobo, may biglang nauna saken sa pag sakay,dalawa silang nagsisiksikan, wala naman pasahero, at merong isa sa kanan ko at isa sa likuran ko, di ko mawari ang trip ng dalawang kolokoy sa harapan ko kung bakit di sila umakyat e di naman puno ang bus, pero nakaramdam na ko ng kakaiba, dahil mabigat ang bag ko at siksikan, pinipilit ko abutin ng kanang kamay ko ang cellphone ko sa kanang bulsa at wallet sa likurang bulsa, habang nakasabit kaming lima sa istribo habang patuloy na umaandar ang bus, siguro ng alam na nilang nagtagumpay sila sa kanilang maitim na plano, nagbabaan sila, at sumigaw ang isa "tara, mali nasakyan natin!"dun na nga nabuo ang kutob ko na alagad ng utol kong hudlom ang mga to, sumabay ako sa pagbaba nila, dahil tuluyan nang humarurot ang bus, sabay kapa ko sa likuran ko, hay buti andun pa ang wallet ko, pero nung kinapa ko ang cellphone ko, parang salamin ako na nagkabasag-basag, hindi ko na ito makapa, sinundan ko yung lalaking nakapwesto sa likod ko at may kausap pa rin sa cellphone nya, sabay tanong ko "brod nadukutan ako, baka naman ikaw nandukot saken?" (sabihin mo na istupidong tanong, pero pag nasa kalagayan mo ko di mo na maiisip yun :D), sumagot naman sya, "aba! hindi ako, nakita mong may kausap ako (sabay pakita ng cellphone nyang nakapatay, at bag nyang nakabukas). Gusto kong dukutin ang mga mata nya dahil obvious naman na ginagawa nya akong tanga, pero paglinga ko sa paligid, paparating ang tatlong lalaki na nakasabay ko sa pag akyat sa bus, buti na lang may natira pang presence of mind saken, di ko na sila pinatulan, dahil hindi ako si Incredible Hulk na nagiging kulay dahon pag nagalit. At nagmalasakit pa yung isa nakita nya daw ang dumukot saken, sumakay ng bus. Wow man, hebi! sabog nga talaga siguro tong mga to. Sinabi ko na lang sa kanya, sige tol hayaan mo na di ko na mahabol, e alam ko naman na yung bus na tinuturo nya e hindi tumigil. Pumara sila ng bus, sinundan ko sila ng tingin at nung alam ko na hindi na sila makakababa, sabay sigaw ko ng "mga mandurukot yan!!!" sabay takbo. hehehe. Sana e, yung nashare ko na kwento ay makatulong sa makakabasa nito ng ibang istilo ng mga kakosa nating mga "pick pockets". Maging alerto tayo sa bawat kilos natin sa labas ng mga tahanan natin, wag masyado magtiwala at kampante. Kung may naka basa man nito, maraming salamat, sigurado wala ka lang magawa. hehehe. Hanggang sa muli!

Monday, November 16, 2009

ok

ok to

Hot Mami

Quoted from the Song "Hot Mami" by Kamikazee

"Simula ng ika'y matikman, Hilig sayo'y di mapigilan
Konting ihip bago dilaan, dahan dahan para di masaktan
Sarap banatan pag umuulan, pampainit ng kakakatawan"

Hindi ba't sa panahon ngayon malamig, mahangin at madilim masarap gawin ang bagay na ito?
Suggestion lang naman po.